7 Tips Para Makatulog Kapag Nahihirapang Matulog3 min read

Ikaw ba ay nahihirapan o hindi makatulog? Baka insomnia na yan, minsan ba ay nagigising ka na lang sa gabi at hindi na makatulog? Kung ikaw nga ay nagdurusa sa kawalan ng tulog mula sa isang insomnia, meron akong mga tips kung paano ka makakatulog ulit, tara at alamin.

Ano nga ba ang Insomnia

Ang insomnya ay isang disorder kung saan nahihirapan ang isang tao sa pagtulog o pananatiling tulog, kahit na ang isang tao ay may pagkakataon na gawin ito. Ang mga taong may hindi normal na pagkakatulog ay maaaring makaramdam na hindi nasisiyahan sa kanilang pagtulog at kadalasan ay nakakaranas ng isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas: pagkapagod, mababang lakas, pag-iisip ng kahirapan, pag-iisip ng mood, at pagbaba ng pagganap sa trabaho o sa paaralan.

Ano ang Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Insomnia

Maraming dahilan kung bakit nagiinsomnia ang isang tao tulad ng stress,pagaalala, digestive issues,stimulants or in other words may drugs kang nagamit nakakaepekto sa pagtulog, high emotions,lights,ingay at etc.

Sleeping Tips Para Makatulog sa Oras ng Nahihirapan sa Pag Tulog

Mag Exercise

Kung nahihirapan ka sa pag tulog, I suggest na mag ehersisyo ka tulad mga exercise na Stretching,Weight Lifting,Push Up, Sit Up at iba pang exercises na magpapapagod sayo, dahil baka isa sa dahilan kung bakit ka hindi makatulog dahil siguro sobra ang tulog mo kanina.

Walk,Walk,Walk

Mag lakad,lakad ka muna ng konti kung nahihirapan kang makatulog, minsan ganito ang ginagawa ko para makatulog, kung meron kang hagdan sa bahay, gamitin mo yun at mag lakad ka ng pabalik balik. Mapapansin mo na lang na inaantok ka na mga ilang minuto.

Read

Isa rin sa mga paraan para ikaw ay makatulog ay mag basa ka ng pwede mong basahin, sa libro man o sa facebook ikaw na ang bahala, minsan kasi nasa kondisyon ang mata natin sa maling oras at para makatulog, isa sa paraan ay  dapat mapagod ang ating mata sa pamamagitan ng pagbabasa.

Uminom ng Saktong Tubig

Baka nauuhaw ka at nagrereklamo ang iyong katawan na hindi mo namamalayan, subukan mo uminom ng tubig pero babala na wag kang uminom ng masyado maraming tubig at baka maging pabalik balik ka sa pag iihi.

Palitan Mo ang Iyong Unan

Kaya ka siguro nahihirapan matulog dahil hindi komportable ang iyong katawan sa iyong higaan, at para maging komportable at presko ang iyong sarili sa higaan, isa sa paraan ay palitan ng bago unan o unan na hindi mo ginamit kagabi o nun nakaraan ang gabi para fresh o presko ang iyong pakiramdam, napaka epektibo ito kasama ng pag ligo sa gabi bago matulog.

Wag Magisip ng Magisip

Isa rin sa dahilan kaya ang tao ay nahihirapan sa pag tulog dahil kung ano ano ang iniisip nila, kaya minsan ang pinapayo ng mga iba ay mag bilang ka ng tupa para makatulog dahil nacoconcentrate mo ang sarili mo sa pag bilang at hindi sa pag isip ng kung ano ano na magpapanali sayo ng gising.

Lights Off

Minsan ang dahilan kaya hindi ka makatulog, dahil siguro nadidistract ang iyong mata para maging relax dahil sa ilaw ng iyong bahay o kwarto, mas mabuti na patayin ang ilaw para di madistract ang iyong mata at makakafocus ang iyong mata sa madilim at sa pagtulog.

Leave a Reply

CommentLuv badge