9 Tips Paano Mag Alaga ng Aso/Puppy the Right Way5 min read

Ikaw ba ay may alagang aso o puppy at gusto mo malaman paano ang tamang paraan paano mag alaga ng aso? Alam mo ba na nakakatulong ang pag aalaga ng aso sa ating kalusugan dahil napapalayo tayo sa stress dahil sila ang magiging bestfriend natin lalo na kapag nagiisa ka lang sa buhay, sila yung tipo ng alaga  na na sigurado ka na meron magmamahal sayo ng totoo kaya dapat alagaan natin sila ng mabuti.

Kailangan ng mahabang tyaga at pasensya sa pagaalaga ng aso para mapalaki ito ng mabuti, dahil kung hindi maari silang mamatay ng maaga, dito sa blog ko, bibigyan kita ng tips paano mo ihandle ang iyong mahal na aso.

Para sa akin, saamin na talaga ang worse na nangyari, palaging nagkakasakit ang aking aso, pero nagpapasalamat ako na naexperience ko ito dahil kung hindi, wala akong matuturo sayo.

9 Tips Paano Mag Alaga ng Aso for Beginners

Pakainin ang Aso ng Tama

Kung puppy pa ang iyong aso, hindi mo kailangan bigyan siya ng marami, kahit konti lang ay okay na(small meal), hindi naman mamamatay ang aso kahit konti lang ang iyong ibigay, basta mag handa ka lang ng tubig kapag nauuhaw siya.

Kapag puppy pa, dapat ang ibigay mong pagkain ay yung malambot, nung 1 month pa ang puppy ko akala ko di pa marunong kumain pero nabigla ako marunong na pala, ang binibigay ko sa kanya ay kanin na may dog food na konti at tuna, sa simula kasi ignorante pa ang puppy sa dog food at malaki ang chansa di niya kakainin yun kaya ihalo mo yun sa pagkain, magsimula ka ng konti at araw-araw at dagdagan mo hangang masanay, kailangan may dog food ang kakainin niya dahil may sustansya doon na kailangan ng isang aso. I prefer na tuna ang ihalo mo sa kakainin niya dahil ang oil ng tuna ay nagpapaganda ng kanilang balahibo, at kanin naman dahil alam natin na mahal ang tuna at dog food kaya gumamit ng kanin pandagdag para masigurado mo na may sapat na rami ang mabibigay mong pagkain na hindi mabubutas ang bulsa mo.

Kapag malaki na ang iyong aso, alam mo na kung gaano karami ang ibibigay mo basta wag mo lang papatabain lalo dahil obesity is not good for everybody.

Bigyan ng Sapat na Sustansya ang Aso Mo

Tulad ng isang sanggol, kailangan rin ng vitamins ng iyong aso, hindi mo kailangan ng vitamins na pang aso, kahit yung pang sanggol ay puwede na, kung ano puwede sa tao ay puwede rin sa aso. Bumili ka ng growee at painomin mo siya ng 1ml kada araw, para lumaki siya ng tama at para na rin makaiwas siya sa mga sakit.

Bigyan ng Immunization at Deworm

Sa amin after 1 month pinaimmun at deworm ko na yung aso ko. Ang immunization ay nakakatulong para humaba ang buhay ng iyong aso dahil pinoprotektahan nito ang aso sa mga disease at mga sakit na puwede niyang makuha sa labas ng inyong tahanan. Ang deworm naman ay para maalis ang mga bulati na lumalaki sa tiyan ng iyong aso para malayo siya sa pagiging malnourished.

Iwasan mo Madehydrate ang Aso pag May Sakit

Kadalasan ng aso namamatay kapag sila ay nagkakasakit dahil wala silang gana kumain o uminom ng tubig sa period ng pagkakasakit, comonly nirerecomenda ko ay pumunta sa malapit na veterinarian sa iyong lugar dahil meron silang irereseta na bilhin sa pharmacy na hindi ibebenta sayo kapag walang reseta tulad ng amoxicillin , ngunit in common sense, kapag ang tao ay nadedehydrate lalo kapag meron siya diarrhea, lalo na kapag ako, ang iniinom kong pangontra sa dehydration kapag ako ay nag dedehydrate ay gatorade dahil meron itong sangkap ng electrolyte laban sa dehydration. Bumili ka na rin dropper dahil sigurado hindi yan iinumin ng aso na walang gana, gamit ang dropper mapipilitan ang aso na inumin ang gatorade.

Bigyan mo ng Anti-Rabies ang Aso

Ang anti-rabies ay only applicable lamang sa asong 3 months old or more than , hindi yan papayag ang veterinarian kapag less than 3 months. Ang anti-rabies ay hindi lang poteksyon para hindi ka marabies kapag nakagat ka, ito ay proteksyon para hindi magkaroon ng rabies ang iyong aso laban sa ibang hayop na meron ito, dahil sigurado mamamatay ang iyong aso after 10 days na nagkaroon siya at delikado rin ito sa iyong pamilya, kung mahal mo ang iyong aso at ayaw mo siya mawala, dapat lang magpa anti-rabies ka.

Bilhan ng Shampoo

Ayaw mo naman siguro mangamoy aso kayo sa bahay diba? Dapat paliguan ito gamit ang shampoo para mabango, kung may kuto ang iyong aso, paliguan mo muna ang shampoo ng aso na may anti-flea. Pero kung wal ng kuto o garapata, puwede na shampoo ng tao para mabango

Suklayan ang Aso

Regular mo itong suklayin upang manatiling maganda ang buhok nito lalo na kung kulot. Para maiwasan din ang pagkakabuhol ng buhok.

Sepilyuhin ang ngipin ng Aso

Akala mo tao lang puwede mag sipilyo, sempre aso rin. Mahalaga ang regular na pagsepilyo sa aso para maiwasan ang dental disease at para hindi mangamoy aso ang bawat kakagatin ng iyong alagang aso. Kung wala namang sepilyo para sa aso ay bumili na lamang ng ‘dentastix’ para habang nginangatngat ito ng iyong aso ay nalilinis din nito ang kanyang ngipin.

Exercise

Bigyan ng tamang ehersisyo ang iyong aso. Pero kung dalawa naman sila sa inyong bahay ay kusa na silang nae-exercise dahil sa kanilang paghahabulan at paghaharutan.

Kapag meron naman lagnat at trangkaso ang iyong aso puwede mo siya bilhan ng gamot laban sa lagnat at sipon na liquido o biogesic at durugin ito at ihalo sa sa konting tubig at painumin sa aso gamit ang dropper.

Mahirap mag alaga ng aso tulad ng isang sanggol ngunit worth it naman kapag napalaki mo ito ng tama. Salamat po sa pagbabasa at good luck!

Comments ( 2 )

Leave a Reply

CommentLuv badge