Paano Ka Magkaroon ng Extra Income Kahit May Trabaho?3 min read

Gusto mo bang magkaroon ng extra income? Ikaw ba ay may trabaho at gusto mo lumaki ang iyong income? Kung oo dapat maging interesado ka na basahin ito para ma open ang iyong isipan. Di po ito online business o networking at ano pa man scam. Ito ay marangal na side income at ang kailangan mo lang ay tamang knowledge.

Ang opportunity na to ay hindi mabilisan pero sigurado, pero ano nga ba ito?

Familiar ka ba sa Blogging?

Ang blogging ay isang klaseng self employed career kung saan ay tatayo ka ng blog o website at mag shashare ka ng mga tips at kaalaman sa internet at ang tawag sayo ay blogger. Wag ka mag alala, di mo kailangan mag quit sa iyong trabaho, puwede mo ito gawin gabi-gabi o  sa bakanteng oras mo kahit 2-4 hours lang a day.

Okay lang kung hindi IT ang linya mo o techie. Basta interesado ka lang na umasenso sa buhay tuturuan kita paano mag sisimula.

Alam mo ba na puwede ka kumita ng more than P30,000 sa isang buwan sa pag bloblogging, ngunit may kapalit yan na malaking responsibilidad at ang good news ay ikaw pa ang may hawak sa sarili mong oras at puwede ka na mag quit sa iyong trabaho kapag nagawa mo ito ng tama.

Kung seryoso ka gumawa ng iyong sariling website para mag simula mag blog, umpisahan mo na ngayon. Kung may knowledge ka gumawa ng PROFESSIONAL WEBSITE, good yan, pero kung wala kang knowledge gumawa ng website puwede mo akong ihire, puwede mo akong mahingang ng tulong sa akin about page. Pag nahire mo ako, gagawan kita ng website at tuturuan pa kita paano gamitin ang iyong blog.

Wag kang mag-alala kung hindi mo kayang gumawa ng professional website, meron naman akong tutorial paano gumawa ng blogger blog na libre. doon simple lang gumawa ng website para sa iyong blog. Pero kung seryoso ka sa paggawa ng iyong brand para sa iyong website, dapat meron kang professional website.

Click the link: Start a Blogger Blog Tutorial 

Ano ang Blog?

Ang blog ay nagsimula bilang isang online journal, pero ngayon uso na ang blog para kumita ng pera online. Buong mundo na business minded person ay gumagawa ng sarili nilang website at ginagawang personal business nila sa internet at ang tawag sa kanila ang online entreprenuers.

Kung gusto mong maging self employ  at maging boss sa sarili mong business after five years, ito na ang magandang option para sayo.

Kahit mag research ka sa internet ang blogging is the most profitable business online kaya wag ka na mag taka kung maraming naglalabasan na websites at blogs sa internet dahil alam nila na profitable ang isang website. Sumisikat ang mga business owners at mga ibat-ibang product owners around the world dahil sa mga bloggers at doon ang mga bloggers kumikita ng pera sa pag propromote ng mga produkto ng iba  gamit ang mga sinulat mong useful information para mag attract ng mga tao(internationally) at binibigay sayo ang commission(kahit tulog ka). Ayan nasabi ko na ang idea ng pagiging blogger. Isa itong long term investment opportunity na walang halong scam dahil sarili mong property ang website sa internet, isa itong sarili mong bahay o opisina online. Kung interesado ka you can contact me or you can proceed to my blogger blog tutorial.

Sana ay may napulot kang aral o may na diskubri kang importanteng opportunity na puwede mong bigay ng oras. Salamat sa pagbabasa at mabuhay!

Leave a Reply

CommentLuv badge