Solusyon sa Malakas na Putok sa Kili-kili o Body Odor Problem4 min read

May problema ka ba sa iyong katawan? Body odor problem? Mabantot ang kili kili? Meron akong solusyon para dyan at dito sa post ko bibigyan kita ng tips kung paano mo makokontrol ang iyong body odor problem. Kaya tuloy tuloy lang ang pagbasa. Tara at alamin.

Ang body odor ay ang hindi magandang amoy na maaaring maka storbo sa ibang tao. Isa lamang itong normal na problema ng lahat ng tao ngunit hindi ibig sabihin hahayaan mo lang na mangyari ito sayo, kung isa ka sa mga taong may problema sa katawan ito ang mga dapat mong malaman.

Bakit Bumabaho ang Kilikili?

Hindi pawis ang eksaktong pinanggagalingan ng masamang amoy ng kilikili kundi ang bakteryang kumabit sa pawis. Ang mainit, madilim at mamasa-masamang lugar ang paboritong tirahan ng mga bakteryang ito dahil dito sila mabilis na nakapagpaparami. Ang nakatago at perpektong pugad para sa kanilang pagdami, ang palaging ipit na mga kilikili.

Ang ilan pa sa mga dahilan ng mabahong kilikili ay poor hygiene o hindi malinis sa katawan, kakulangan sa tamang nutrisyon, problema sa bituka, tulad ng hindi regular na pagdumi, sakit sa atay at diabetes.

Solusyon Para sa Iyong Body Odor Problem

1.Maligo araw-araw

Sabunin at kuskusin ang buong katawan, lalo na ang mga lugar na madalas mangamoy.

2.Hugasan ang Parte ng Katawan Twice a Day

Hugasan ang kilikili singit at paa ng 2 beses sa isang araw. Ibang klase ang pawis na lumalabas sa mga lugar na ito dahil mas maamoy kaysa sa ibang lugar.

3.Gumamit ng sabon

Pumili ng sabon na babagay sa iyo. Puwedeng subukan ang Safeguard at iba pang anti-bacterial na sabon.

4.Maglagay ng kontra sa pawis o antiperspirants sa kili-kili

Puwede ang tawas, roll-on, baking soda, at iba pa. Hanapin kung ano ang mas epektibo para sa iyo.

5.Subukan ang alkohol sa kilikili at paa

Kapag napatay ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.

6.Umiwas sa pagkaing spicy at maaanghang

Umiwas din sa mga bawang, sibuyas, curry at maamoy na isda. Alam ninyo ba na ang mga pagkaing ito ay lumalabas din sa ating pawis? Kung mahilig ka sa sawsawang sili, suka, patis at bagoong, baka mangamoy suka ka rin.

7.Wag Kalimutan Uminom ng Sapat na Tubig

Uminom ng 8-12 basong tubig, para luminis ang iyong katawan.

8.Magsuot ng cotton at linen na baro, pantalon at underwear

Mas mabilis matuyo ang pawis sa cotton at linen na tela. Umiwas sa mga nylon na baro. Mas mainam din kung maluwag ang kasuotan.

9.Importanteng Paalala

Labhan maigi ang mga baro. Magpalit ng baro at medyas araw-araw. Kapag mabango ang iyong baro, mas hindi ka mangangamoy. Huwag ulit-ulitin ang baro.

10.Huwag masyado magpapawis

Kung alam mong may meeting ka sa hapon ay huwag nang mag-eher-sisyo o dumako sa maiinit na lugar sa umaga. Kapag pinawisan ka ay manga-ngamoy na. Magbaon ng extrang baro at medyas.

11. Magrelaks lang

Ka­pag kinakabahan ka, lalo kang papawisan.

12. Magpakunsulta sa doktor kapag may body odor pa rin.

May mga espesyal na deodorant na binibigay ang mga doktor. Kailangan din masuri ng doktor kung may iba kang sakit tulad ng goiter, nerbiyos o talagang mapawisin ka lang. Good luck po!

Mga Puwede Mong Magamit Para Di Bumaho ang Iyong Kili Kili(Home Remedies)

1. Tawas

Ang tawas ay natural na deodorant, ligtas gamitin at epektibo. Pinipigilan nito ang pagdami ng mga bakteryang humalo sa pawis. Gamit na noon pa mang sinaunang panahon, ang tawas ay kilala sa bisa nito sa pagtanggal ng body odor.

Paraan ng paggamit:Ilagay ang tawas na durog o ipahid ng buo sa kilikili matapos maligo. Mabuting basain muna ng tubig bago ipahid sa kilikili ang tawas para ang pagkuskos nito ay maging madulas. Kung umaamoy ang kilikili sa buong maghapon maaring gamitin ang tawas anumang oras.

Paalaala:Kapag tawas na buo ang gagamitin, siguraduhin na ang makinis na bahagi nito ang ikuskos sa kilikili. Kung minsan may matalas itong parte at pwedeng makagasgas sa balat kung hindi magiging maingat.

2. Kalamansi

Ang katas ng kalamansi ay napaka-bisang pantanggal ng body odor. Ang bakteryang lumilikha ng mabahong amoy sa kilikili ay mahihirapang mabuhay dahil sa acidic property ng kalamansi.

Paraan ng paggamit:Hiwain ang kalamansi at alisin ang mga buto. Direktang ipahid sa kilikili ang katas nito. Siguraduhin na umabot sa balat ng kilikili ang katas ng kalamansi at hayaan itong matuyo. Makalipas ang 10 minuto ay maaari ng maligo. Gawin ito araw-araw hanggang ang mabahong amoy ay tuluyang maglaho.

Paalaala:Pra sa mga balat na sensitibo, maaaring haluan ng kaunting tubig ang kalamansi. Gumamit ng bulak at saka dahan-dahan itong idampi. Iwan ng 10 minuto hanggang sa matuyo at pagkatapos ay pwede ng maligo. Gawin ito araw-araw at huwag hihinto hanggang sa mawala ang amoy na mabaho. Ang lemon ay maaaring gawing alternatibo.

3. Baking Soda

Ang baking soda ay makatutulong upang mapanatiling tuyo ang kilikili dahil may kakayahan itong mag-absorb ng moisture sa balat at patayin ang mga bakterya.

Paraan ng paggamit: : Paghaluin ang 1 kutsarang baking soda at katas ng kalamansi/lemon. Ipahid ito sa kilikili at hayaan ng mga ilang minuto bago banlawan. Maaari rin itong gawin bago maligo. Gawin ito araw-araw sa loob ng ilang linggo.

4. Alcohol

Ang alcohol ay pwede ring gamitin para sugpuin ang di kaaya-ayang amoy ng kilikili. Sinasarhan nito ang mga pores sa balat kaya nababawasan ang pagpapawis. Nag-iiwan din ito ng mabangong amoy matapos matuyo at mag-evaporate.

Leave a Reply

CommentLuv badge