Paano ba Manligaw ng Tama Tips For Boys5 min read

Gusto mo ba malaman kung paano ba manligaw? Ang mga babae ay sensitive kapag tungkol sa panliligaw. Mahalaga sa kanila ang pangliligaw dahil malalaman nila kung anong klase kang tao.

Unang-una ang kaya ka man liligaw ay para makuha ang sagot na OO sa nililigawan mo.
Ang maganda sa panliligaw ay nagkakaroon ng panahon para magkakilala kayo ng nililgawan mo at matetest mo kung compatible kayo sa isat-isa.

Alam mo ang panliligaw ay masaya ngunit medyo mahirap for short ay challenging. Napapractice mo ang iyong self confidence at malalaman mo kung sino ba talaga ang para sayo.
Ito ang Kailangan mong malaman sa panliligaw:

1.Alamin mo ang tungkol sa kanya

Ito ay una at pinaka importanting bagay sa panliligaw at ito para alamin mo ang tungkol sa kanya. Bago ka lumapit sa crush mo, kailangan mo muna malaman ng mabuti ang lahat ng tungkol sa kanya para magkaroon ka ng idea kung paano ka mag approach sa kanya. Ang mga importanteng mga bagay na kailangan mo malaman ay ang mga sumusunod:

1.Family

2.Religion

3.Friends

4.A little bit of her background

Ngayong panahon madali na lang malaman ang mga bagay bagay tungkol sa isang tao dahil meron na ngayong social media tulad ni facebook at twitter at iba pa basta maging resourceful ka lang sa technolohiya at magiging madali ang lahat.

Pwede ka rin mag tanong o mag hinge ng mga advise sa mga kaibigan ng crush mo para malaman mo ang mga bagay bahay at para makakuha ka ng clue kung paano ang kanya mga attitudes,mga gusto,mga ayaw at iba pa. Kailangan mong alalahanin ang mga detalye kahit ang mga maliliit na detalye, alalahanin mo kahit maliit na detalye pag nagamit ng tama malaki ang impact.

Isa rin sa magagandang paraan kung paano malaman ang mga bagay na tungkol sa kanya ay sa pag tetext o pag cacall. Texting ay nakakatulong sa panliligaw at nakakatulong rin ito para mag pa remind sa kanya na nandyan ka para sa kanya. Ang pag sasabi ng good morning at good evening araw araw ay napaka gandang paraan, kahit hindi siya mag reply okay lang basta ang importante nababasa niya ang text mo at yung name mo sa contacts niya.

Just a reminder na iwasan mong mag text at call na parang every minute ka nag tetext at baka makulitan siya at tatamarin na siya sa pag babasa sa text mo. Dapat twice a day or three ay sapat na.
Lagi mong iisipin na the more you know that person the more advantages you get..

2.Find Time with that person

Ang oras ay ang isa sa pinka importante kung gusto mo na karelasyon kaya habang di pa kayo dapat mag laan ka ng oras o sanayin mo ang crush mo na lagi kayo mag kasama at mag kausap.
Ang simpleng “tara kain tayo, samahan mo ako” ay isa ng halimbawa ng date na di masyadong bisto.
At minsan naman, itetest ka niya para malaman mo na sincere ka sa kanya. Minsan magtatanong siya na “hintayin mo ako ba ako?” kung papauwi ka na at siya di pa. Di ba may linya sa mga kanta na “hihintayin kita kahit gaano pa ka tagal?”

Time is gold pero wag ka mag madali, yan ang art of courting, matatakot siya sayo kapag hindi, enjoyin mo lang ang time at wag ka maging paranoid sa pag habol ng oo niya.

3.Matuto kang makinig

Ang mga babae gustong gusto nila yung lalakeng nararamdaman ang kanilang nararamdaman. Gustong gusto ng mga babae yung mga sensitive kasi sila yung makakapansin kung meron problema ang kanilang partner.

At saka ang mga babae ay bungangera. At gusto nila laging naexexpress yung nasa isip nila kaya siguradong maeenjoy ka nila kung marunong kang makinig.

Kahit mga di palasalita sa isip nila nag sasalita yan palagi pero di lang verbally dahil hinde pa sila handa ipaalam sayo. Kaya kung marunong ka makinig mag eenkoy ang mga babae mag kwento sayo ng kung ano-ano.

4.Lagi ka at Wag ka Tumigil mag effort

Lahat ng babae maiinlove sa mga effort kesa sa mga tao na hinde. Kahit lalake siguro mas gustong kasama yung mga taong may silbi sa kanila di ba? Ang pag eeffort ay ang mga weakness ng mga babae, at the more ka mag eefort, mas lalong mahuhulog ang puso nila sayo.

For example, samahan mo siya na makipag kita sa kanya kaibigan o familya, o bisitahin siya sa bahay at etc. basta samahan mo siya sa mga lugar na gusto niya at mas lalo na kapag sinabi niya na sumama ka. Bigyan mo siya ng mga bulaklak paminsan minsan kahit hinde valentines day, regalo at iba pa.

Kapag napapansin mo na malungkot siya o na bobored, cheer mo siya o bigyan mo ng mga sweets basta ang importante magkakaroon ng kulay ang araw o kahit lang oras kapag kasama ka niya.

Sa panliligaw di mo kailangan maging mukang mayaman sa kanya, dahil hindi ka makikipag kasal sa kanya, kahit simple at mumurahing bagay ay okay na, basta useful sa kanya ayos na ayos na yun.

5.Mag Handa ng mga Surprises

Ang mga babae mahilig yan sa mga surprises, yun nga lang minsan nag eexpect sila ng mga malalaking mga bagay, pero kung gagawa mo na maging unpredictable sa kanya baka magiging madali pa para sayo.
For example, pwede mo siya sabihan na malalate ka sa date niyo pero yun pala nandun ka na ba pala sa labas ng bahay nila na may hawak na bongang bulaklak at naghihintay na lumabas siya sa kanyang bahay ay isang magandang ideya.

Kapag gagawa ka ng mga surprises, hinde mo kailangan gawin kapansin-pansin sa nakararami dahil di yan magugustuhan ng isang babae specially kung ito ay mahiyain. Mas okay kung kayo lang dalawa ang nakakaalam o tatlong tao o apat.

Kung mag susurprise ka sa kanya dapat pag-aralan mo ng mabuti, ang mga babae nakakapansin din yan ng surprises , dahil kahit konting bisto ay masisira na ang lahat. Iwasan mo na mangyari rin para hinde ka mabuburilyaso.
Surpresahin mo siya palagi at magugustuhan ka niya palage..

Ito ang mga ideya na makakatulong sayo kung paano manligaw, basta maging creative at alalahanin tong mga tinuru ko, promise maganda ang resulta.

Leave a Reply

CommentLuv badge