Mabilis na Paraan Paano Mawala ang Pimple Marks2 min read

Meron ka bang pimple marks / Acne Marks? at gusto mo malaman paano mawala ang pimple marks / acne marks? Isa itong peklat galing sa pimples na hindi maganda ang pag aalaga at kung concern ka sa iyong mukha para mawala ang pimple / acne marks then nasa tama kang lugar, dito sa post ko bibigyan kita ng tips sa natural at mabilis na paraan para mawala ang pimple marks sa iyong mukha para gumanda ang iyong mukha, tara at alamin.

Maraming mga paraan para mawala ang pimple marks. May natural na paraan at mayroon namang hindi natural. Unahin na lang natin ang natural na paraan dahil isa sa kagandahan nito ay ang availability. Madali lang mahagilap, ika nga. Mabibili mo sa mga palengke o talipapa o sa mga supermarket. Simulan na natin! Basa!

Organiko / Natural na Paraan Para Mawala ang Pimple Marks

pimple marks

Lemon Juice

Ang lemon juice ay nagtataglay ng tinatawag na alpha hydroxyl acid na karaniwang sangkap ng mga gamot na pantanggal ng peklat.

Instruction:

1.Pigain ang lemon sa isang lalagyan.

2.Maaaring dagdagan ng kaunting tubig kung ayaw mo ng masyadong matapang lalo na kung sensitive ang iyong balat.

3.Gumamit ng bulak at ipahid ang lemon juice kung saan naroon ang mga pimple marks.

4.Hayaan mo lang na matuyo. Palipasin mo ang ilang minuto bago mo banlawan.

Honey

Ito naman ay isang wonder na parang lahat ay kayang malunasan lalo na sa balat.

Instruction:

1.Lagyan mo ng honey direkta sa mga pimple marks mo.

2.Hayaan mo lang na matuyo at iwan mo lang sa mukha mo magdamag.

3.Magbanlaw kinabukasan.

Potato juice

Ang Katas ng Patatas ay Mabisang pantanggal ng mga dark spots sa mukha gaya ng pimple marks.

Instruction:

1.Maghiwa ng patatas nang maninipis.

2.Ilagay ang mga hiniwa sa mukha nang 20-30 minutes.

3.Magbanlaw ng maligamgam na tubig.

Cucumber juice (pipino)

Kagaya ng katas ng patatas, mabisa ring pampaputi ng mga dark spots sa balat ang katas ng pipino.

Instruction:

1.Hiwain ang pipino sa maninipis na piraso.

2.Ilagay ang mga hiniwa kung saan naroon ang mga pimple marks.

3.Iwanan magdamag at banlawan kinabukasan.

UnOrganic / Di Natural na Paraan Para Mawala ang Pimple Marks

1.Gumamit ng exfoliant cream. Ang epekto nito ay magpapalit-balat ang iyong mukha. Mamumuti nang mamumuti ang mga dark spots hanggang sa hindi na ito mahahalata.

2.Magpakonsulta sa isang dermatologist. Wala nang iba pang makakatulong sa iyo kung gusto mo talaga ng mabilisang pagtatanggal ng pimple marks. Marami silang maii-suggest na paraan na malamang ay may kamahalan ngunit sadya namang epektibo.

Leave a Reply

CommentLuv badge