Gamot sa Paos, Mga Dapat Malaman Para Mawala Ito3 min read

Namamaos ka ba o paos? Gusto mo ba malaman kung ano ang gamot sa paos at paano mawala ang pagkapaos? Kung Oo then nasa tama ka lugar, tuturuan kita ng mga bagay na magpapawala ng iyong pagkapaos. Kaya Sige lang sa pag basa.

Ano ang Paos?

Ang paos o pagkapaos ay isang uri ng situation kung saan nawawala ang isang tao ng boses. Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaring maranasan ng kahit na sino. Ito ay dulot ng pamamaga ng larynx o voice box na siyang pinanggagalingan ng boses tuwing nagsasalita. Kadalasan, ang pamamaga ay dahil sa sobrang paggasasalita at paggamit ng boses, o kaya ay dahil sa pagkakaroon ng impeksyon sa lalamunan. Kadalasan ito nakukuha ng mga teacher at call center agents.

Bagaman kadalasan mag isa lang naman gumagaling ang paos, mas makabubuti pa rin kung iiwasan ang mga bagay na maaaring makapagpalala ng kondisyon at gawin naman ang mga bagay na makatutulong na mapadali ang paggaling.

Ano ang Puwede Gawin Para Gumaling sa Pagkapaos?

1.Rest Your Voice

Para sa mga taong palaging nagsasalita lalo sa mga taong ginagamit ang kanilang boses sa trabaho, kailangan talaga na magkaroon ka ng oras din na ipahinga ang iyong lalamunan pagkatapos ng trabaho.

2.Uminom ng Tsaa o Salabat

Hindi naman laging gumagana ito “palagi” pero ang tanong dito is what works for you, walang medical basis na bawal sayo kapag ikaw ay nagpapaos pero kung tatanungin mo kung ano ang laging makakatulong sayo para mapadali ang pagaling ng pagkapaos mo, ang mairerekomenda ko ay yung mainit na inumin tulad ng tsaa o salabat.

Bagaman kadalasan mag isa lang gumagaling ito, mas makabubuti pa rin kung iiwasan natin ang mga bagay na maaaring makapagpalala ng kondisyon at gawin naman ang mga bagay na makatutulong na mapadali ang paggaling.

3.Uminom ng kalamansi juice.

Ang katas ng kalamnsi ay makatutulong na maparami ang produksyon ng laway sa bibig at lalamunan. Ang laway ay makabubuti para maiwasan din ang panunuyo ng lalamunan.

4. Magmumog ng tubig na may asin.

May mabuting epekto naman ang pagmumumog ng maligamgam tubig na may kaunting asin para mapabuti ang kondisyon na nararanasan. Bagaman iwasan na maging sobrang alat ng tubig sapagkat maaari lamang itong makapagpalala ng kondisyon.

5. Magsalita lamang nang marahan

Ipagpatuloy lamang ang pagsasalita ngunit panatilihin itong marahan, malumanay at mahina lang.

Mga Dapat Iwasan Kapag Ikaw ay Paos?

 1.Pagbubulong

Ang pagbubulong ng mga salita ay maaaring makapagpagrabe din ng kondisyon. Hayaang makapagsalita nang normal ngunit mahina at marahan lamang.

2. Sobrang pagsasalita.

Hanggat kaya, huwag na lamang magsalita upang hindi na mapagod pa ang vocal cords at mas mapabilis ang paggaling nito. Magsalita na lamang kung talagang kinakailangan.

3. Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay may masamang epekto sa kalusugan, lalo na sa vocal cords na may pamamaga. Maaaring mairita ang lalamunan kung makakalanghap ng usok mula sa sigarilyo at mas lalong lumala lamang ang kondisyon.

4.Umiwas sa Mga Lozenges

Umiwas sa mga bagay na nagpapatuyo ng lalamunan. At isa na dito ay ang mga lozenges dahil meron silang mga side effect na maaaring tumuyo ang iyong lalamunan na maaaring magpapalala ng iyong lalamunan kaya kung maaari ay lumayo ka sa mga lozenges.

Leave a Reply

CommentLuv badge