Effectibong Tips Para Kuminis ang Iyong Mukha at Kutis3 min read

Feeling mo ba ay hindi ka kuntento sa iyong mukha at kutis? gusto mo ba kuminis ang iyong mukha at kutis? Gusto mo ba malaman kung paano? Dito sa blog ko, bibigyan kita ng tips kung paano mo ito magagawa. Tara at alamin..

Tips Paano Kuminis ang Iyong Mukha at Kutis

mukha

Uminom ng Sapat na Tubig Araw-araw

Uminom ng walong basong tubig araw-araw. Ugaling mo gawin ito araw-araw na walang hinto at makikita mo ang pagbabago pagkatapos ng ilang buwan. Ang karagdagang tubig ay siyang magpapadali ng pagpalabas ng mga dumi sa katawan.

Sa mga kababaihan, subukang iminom ng 2.2 litro o 0.6 galon ng tubig kada araw. Kung nahihirapan kang inumin ng ganito karaming tubig, alisin mo ang pag inom ng mga matatamis na inumin tulad ng softdrinks at palitan ito ng pag inom ng tubig. Sabagay, kailangan mong limitahan ang paginom ng mga matatamis para makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot nito.

Sa mga lalaki naman, kailangan mong uminom ng tatlong litro o 13 baso ng tubig araw araw. Kung napapansin mong madilaw ang ihi mo, iyan ang panahon na kailangan mong dagdagan ang pag inom ng tubig.

Gumamit Lagi ng Sun Screen Protection

Kung tungkol sa pag-aalaga ng mukha at kutis, wala itong pinipili kahit lalaki dapat gumamit ng sun screen protection, dahil kompara sa hindi gumagamit ng  sun screen protection, mas mapapatagal mo ang pagtanda ng iyong mukha sanhi ng sunog galing sa init ng araw.

Gumamit ng Moisturizer

Ang isa pang mabisang paraan kung paano kuminis ang mukha ay ang paggamit ng moisturizer. Ang paggamit ng moisturizer ay makatutulong para mapanatili mo ang balanse ng tubig sa balat at maiwasan ang sobrang sebo sa mukha. Pumili ka ng moisturizer na babagay sa tipo ng balat mo.

Kung ikaw ay may oily skin, gumamit ka ng moisturize na oil free. Kung ang balat mo ay masyadong sensitibo sa tagyawat, bumili ka ng moisturizer na may panglaban sa pimples. Maglagay ng moisturizer sa bawat paghilamos ng mukha, mag ahit o tuwing pakiramdam mo ay tuyo ang balat mo.

Laging Maghilamos ng Mukha

Ugaliing mag hilamos lagi ng mukha, bakit? Ang pagpapanatilini ng ganitong schedule ay susi para mamaintain mo ang iyong maganda at malinis na mukha, para makaiwas ng mga iilang skin problem tulad ng  tigyawat at iba pa, at mapapanatili mo ang pagiging fresh na iyong mukha dahil sa tubig. Gawin ito umaga at gabi at kung puwede gawin mo rin ito tapos ng lunch time para palaging fresh looking.

Maghilamos gamit ang paborito mong facial cleanser. Iwasan ang pagkuskos ng masyadong mariin o ang paggamit ng magaspang na teleng panghilod. Ang pagkuskos sa mukha ay magdudulot lamang ng pangingitim na mas matagal maaalis. Kung gusto mong mag exfoliate, bumili ka na lamang ng cleanser o sabon na exfoliant o maghanap ka ng facial cleansing brush sa botika.

Kumain ng Prutas at Gulay

Ugaliing kumain araw-araw ng gulay at prutas. Bakit? Alam mo ba na araw-araw ay laging napapalitan ang cells sa iyong katawan at kung gusto mong maging looking fresh lagi, kakailanganin ng katawan mo ng sapat na nutrients para gumawa ng bagong cells sa iyong katawan.

Matulog na Sapat

Kahit gumanda ang iyong kutis, kung mukha ka naman stress, hindi parin mapapansin ang iyong magandang kutis kung mauuna mapapansin ang guhit ng iyong mukha, ang stress ay nakakasira sa iyong mukha at kung kompleto ka naman ng tulog gagaan din ang iyong pakiramdam na mag reresulta na pagiging maganda ng iyong mukha. Ugaliing matulong ng kompletong 8-9 hours every night.

Protektahan ang sarili sa Init ng Araw

Kung gusto mong gumanda ang iyong kutis, ugaliin gumamit ng Shades at Payong. Nakakatulong ang shades para maprotektahan mo ang iyong mata, kapag komportable ang iyong mata naiiwasan mo ang pagkunot ng balatat na nakapalibot sa iyong mata. Payong naman para proteksyon para sa buo mo naman katawan.

Mag-Ehersisyo for Free Stress

Gawin mo kung anong ehersisyo ang komportable saiyo. Ang paglalakad ng kahit 15 minuto araw araw ay mas mabuti kaysa sa pag upo na lamang maghapon. Ang pag eehersisyo ay makatutulong sa iyo na maalis ang stress sa katawan. Ang stress ay sanhi ng pimples. Kaya pagsumikapang magkaroon ng oras para sa ehersisyo.

Leave a Reply

CommentLuv badge