Ano ang Benepisyo ng Blog at Bakit mo Kailangan Ito4 min read

Naghahaap ka ba ng side income o extra income? Kung Oo, bakit hindi ka gumawa ng website o blog, ito ang isang benepisyo ng  blog at yun ang kumita ng pera online. Kung interesado ka kumita ng pera online, dapat basahin mo ito dahil meron kang matututunan mula sa akin.

Ayaw ko sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay at alam ko ay ganon ka rin, ibig sabihin hindi ito sabi-sabi lang kung hindi mangyayari ito sayo(kumita ng pera online) kapag sineryoso mo ito.

Kung gusto mo gumawa ng sarili mo blog o website, just visit this tutorial.

Ano ang Blog?

Noong unang panahon, nagsimula ang blog bilang isang online diary na parang personal blog kung saan ibinabahagi mo ang iyong nararamdaman o storya ng  iyong buhay, ito ay puwede mong maituturing bilang sarili mong pagmamayari.

Ngayon ang blog ay ginagamit na sa mga negosyong online, dahil maraming naghahanap ng kaalaman sa online, hindi na uso ang personal blog, kung hindi useful information sharing blog na ang patok. Gumawa ka ng blog post o artikulo na may silbi at kailangan ng mga tao para maresolva ang kanilang sariling problema.

Para kumita online, kailangan mo ng mga information para mahila ang mga tao na laging magbabasa ng iyong blog, tulad ng isang malaking radio station, hindi sila makakagawa ng pera para mag announce ng advertisement kung hindi sila nakakahila ng maraming tao para makinig ng kanilang stasyon araw-araw at para maraming makikinig sa kanila, kailangan nilang mag provide ng mga useful and valuable information. Ganyan ang kanilang negosyo at wala itong kaibahan sa blog.

Kung gusto mo malaman paano kumita ang isang website o blog. just visit this post.

Ano ang Benepisyo ng Blog at Bakit mo Kailangan Ito

Sarili mo itong Pagmamayaari

Walang makakaagaw nito sayo, sarili mo itong pagmamayari ito ang iyong online property o opisina o bahay sa online world, walang makakapagdikta kung paano mo ito gagamitin.

Puwede mo itong Gawing Negosyo

Hindi mo lang ito puwede gamitin bilang isang online opisina o bahay, puwede mo rin ito gawing negosyo, sa pag lagay ng ads sa iyong blog puwede ka kumita dito, basta magkaroon ka lang ng  marami readers at visitors sa iyong blog, impossibleng hindi ka kikita ng pera sa pagbloblog.

Puwede mo ito Gawin Online Resume

Kung meron kang skills sa computer, puwede mo ilagay ito sa iyong about page para malaman ng mga mambabasa kung saan ka magaling at kung makakatulong ka sa kanilang problema, puwede mo rin ito pagkakakitaan bilang isa sa iyong services at puwede rin itong gawing resume para madali ka makilala ng iyong potential employer.

Ang Blog ay Parang Time Deposit

Para saakin ang blog ay isang long term investment at proven na ito sa iba, bigyan mo ito ng ilang mga taon at sigurado kikita ka dito ng pera at puwede mo pa itong maging self sustaining income o baka maging full-time career mo pa ito, sempre sa simula hindi mo pa ito maituturing bilang isang online business dahil kailangan mo pa palaguin ang iyong mga mambabasa pero kapag stable na ang traffic(o dami ng mga visitors o mambabasa araw-araw) hindi malayo magkakaroon ka ng finacial freedom success at dipende ito sa iyong performance at consistent work sa iyong blog.

Great Choice for Early Retirement

Ang blog ay isang opportunidad para mabago mo ang iyong buhay, kung gusto mo na hindi ka na magproblema sa pera sa hinaharap kailangan mo palaguin ang iyong blog, gawin mo ang lahat para lumaki ang iyong mga visitors at readers and followers, maiksi lang naman ang 5 years of hardwork sa blogging kesa mag hintay ka ng retirement, ang maganda pa dito magkakaroon ka ng chansang maenjoy ang iyong buhay habang bata sa pagsisimula lang ng isang blog o website, malaki ang potential para kumita ng pera online basta maging matiyaga ka lang at consistent tulad ni Jhon Chow isang successful website owner na kumikita ng di bababa ng $10,000 at ito ang website niya www.johnchow.com, wala ng mas magandang online business sa blogging. kaya start na!

Ano Kailangan Para mag Tumayo ng Blog?

Just to clarify po, eto po ay hindi libre, kailangan mo mag bayad ng fee para dito, mura lang po ito ito kompara sa mag rent ng opisina at yearly po ang bayarin para tuloy tuloy ang takbo ng iyong website sa internet nagkakahalaga lang ng more or less P3,000 per YEAR.

Web Hosting

Ang web hosting ay isang file storage kung saan nakastore ang mga files ng iyong website na nagkakahalaga ng $3.95 per month.

Domain Name

Ang domain name ay ang iyong address para madali ka nilang matagpuan sa internet tulad ng saakin www.iampauldemoni.com.

itong dalawa na to ay mabibili mo as package, meron akong tutorial sa link na to.

Ang pagkakaroon ng blog ay tulad ng pagkakaroon mo ng sarili mong business, walang scam at ikaw lang ang makakapasya ng kanyang expiration. Nasayo na kung gusto mong ito palaguin o ipasira. Nasayo na ang desisyon.

Leave a Reply

CommentLuv badge