8 Tips na Pagbagsak ng Iyong Negosyo3 min read

Meron ka bang negosyo at gusto mong matiyak na hindi ito babagsak? Hindi biro ang magpatakbo ng negosyo dahil kailangan ng tamang kaalaman at experience para maging matagumpay ang isang negosyo. Kahit gaano pa kasipag ang isang may ari ng negosyo ay pwede pa rin itong bumagsak kapag meron siyang hinde alam, kaya naman gumawa ako ng tips na to para ikaw ay magabay at magpaalala para di bumagsak ang iyong negosyo

Tips na Pagbagsak ng Iyong Negosyo

Kailangan ng Kaalaman o Knowledge

Kung sa tingin mo ay kulang ka pa ng kaalaman o ng karanasan o experience para magpatakbo ng isang negosyo, unang una sa lahat kailangan mo malaman o gumawa ng feasibility studies, if ever nag umpisa na ang iyong negosyo. Tignan ang potential customers,tignan kung okay ba ang pwesto kung marami bang dadaan sa iyong pwesto at iba pa. Kailangan kompleto ang detalye bago ka mag sisimula sa iyong business.

 Capital

Kung mag tatayo ka ng negosyo, sempre kailangan ng capital, pero dapat para makasiguro, kung tatayo ka ng negosyo, mas mabuti mag ipon ka muna ng sapat na pondo, kung ang kakailanganin na pondo ay for example is P50,000 , dapat masigurado mo muna na meron kang insurance kapag nalugi ito o kailangan ng pangsupporta kung nag kulang sa capital. Mas maganda na doblehin mo muna ang iyong inipon sa kailangan na capital, kaya before you start double first your money para kung nalugi , meron ka pang mahuhugot sa iyong bulsa pang supporta sa iyong pang araw-araw.

Expect Competitor

Kung sa pag-ibig nga daw ay walang forever, sa negosyo wala rin forever. I mean walang forever na no competitor till the end. Lahat ng tao gustong mabuhay at merong kasamang ingit at kapag nakita nila na indemand ang binebenta mo, hahanap sila ng paraan para magkaroon ng share at ang gagawin nila ay gayahin ang binebenta mo.

Lokasyon

Wag kang kukuha ng pwesto kapag ito ay nasa dulo, mas maigi na pumili ka ng lugar kung saan kung meron potential competitor na darating, hindi pa rin mahaharang ang lahat ng tao,basta ang importante di ka mawawalan ng bibili sayo kahit meron darating na competitor.

Produkto

Siguraduhin mo na hinde low class ang iyong produkto, ito ang nagpapaloyal sa mga customers para lagi silang bibili sayo, ito rin ang pang hatak sa mga tao na piliin ka kesa naman bibili sila sa iba.

Presyo

Dapat tama lang ang presyo at wag overpricing, at dapat sulit sa bulsa sa mga customers para kahit meron kakompetensya wala parin magbabago. Ang importante ay alam ng tao na di sila malulugi sayo.

Empleyado

Isa ito sa magpapabagsak sa iyong negosyo, di ko naman nilalahat pero 50 50 ang empleyado may pagkagahaman at nangungupit at di nila iniisip na ang kita ang nagpapanatili sa kanilang trabaho, kaya dapat mong bantayan sila ng mabuti kung ayaw mong malugi ng malaki.

Loan

Sayang ang interest dapat diretso na yan sa iyong business. Habang maaga wag kang mag loloan kung di mo naman kailangan, dahil isa yan sa dahilan ng pagbagal ng iyong pag asenso at yun ay utang.

Marami  ka pang mga mahirap na pagdadaan sa iyong paglalakbay sa pagnenegosyo pero itong mga nakalista ang una mong kailangan malaman at haharapin para mabawasan ang iyong pag-aalala

Leave a Reply

CommentLuv badge