6 na Magandang Katangian ng Isang Lalake2 min read

Gusto mo ba malaman ang isang magandang katangian ng isang lalake? Wala ka bang ideya?

Kung may naging crush ka na lalake at di ka sigurado kung siya na ba ang pipiliin mo sa iyong buhay, puwede mo itong gamitin o ibase bago ka muna pumili ng lalake.

Listahan ng Magandang Katangian ng Isang Lalake

Hindi Tamad

Salot sa buhay ang gusto lang ay kain at tulog, lumayo ka sa taong tamad at baka ikaw pa ang maging taga silbi sa kanila. Walang mararating ang taong sobrang tamad at hindi magiging maganda ang iyong buhay kapag umasa ka sa lalakeng hindi nagbabanat ng buto.

May Pangarap Sa Buhay

Okay lang kung ang lalakeng tinitipo mo ay mahirap o di masyadong may kaya, basta may pangarap. Lahat ng mga mayaman ng simula yan sa pangarap. Ang pangarap ang tumutulong sa taong gumawa ng mga magandang bagay. mas mabuti pumili ng taong may pangarap kesa sa taong walang pangarap sa buhay.

Humble Kahit May Kaya

Ang lalakeng humble ay isang sign na marunong siyang mag diciplina sa kanyang sarili mas lalo kung may kaya ang isang lalake. Alam mo ba na mas madali maging mayabang kesa ang maging humble kaya kung may kilala kang taong ganon ibig sabihin lang nun pinapahalaga niya kung ano ang meron siya at naiintindihan niya ang mga bagay bagay.

Mahilig Matuto ng Bago

Ang lalakeng mahilig matuto ng bago specially sa libro natututo ng bago ay isang magandang katangian ng isang lalake. Ang lalakeng mahilig mag basa ay may malaking sign na malawak ang kanyang isip. Kapag malawak ang kaisipan ng isang lalake, nakakaisip ito ng mas magandang solusyon sa buhay.

Marunong Makinig

Pumili ka ng lalakeng marunong makinig, dahil sila yun tipo ng taong hindi selfish. Hindi puro “AKO” ang lumalabas sa bibig dahil ang taong marunong makinig, kahit mali siya ay tinatama niya kahit hindi niya sabihin na gagawin niya, basta marunong lang makinig ay magiging ayos ang lahat.

May Respeto

Pumili ka ng lalakeng marunong mag respeto yun tipo ng tao kahit bastos na sa kanya, marunong pa rin mag respeto sa iba at lumalaban sa paraan na di nambabatos ng kapwa. meron pa ba?

God Fearing

Pumili ka ng lalakeng may takot sa diyos dahil sila ang tipo ng taong di makakagawa ng masama sayo kahit galit na galit na at may kayang mag patawad sayo.

Mahal Niya ang Kanyang Sarili

Higit sa lahat dapat ang lalake ay marunong mag mahal sa kanyang sarili, bakit? Kung marunong siyang mag mahal sa kanyang sarili, marunong din siya mag mahal ng iba, dahil may kasabihan nga tayo, “paano mo mamahalin ang ibang tao kung sa sarili mo naman di mo kayang magawa”.

Leave a Reply

CommentLuv badge