3 Tips sa Pag Bibili ng Secondhand na Motor3 min read

Balak mo bang bumili ng motor at gusto mo malaman paano bumili ng secondhand na motor at sa tingin mo ay kulang ka ng budget pambili ng sarili mong brand new motorsiklo, bakit hindi ka bumili ng secondhand na motor pero hindi mo alam paano mag simula. Dito sa post ko, bibigyan kita ng tips or steps para ma guide kita para iwas sakit ng ulo kapag bibili ka ng second hand na motor.

Kung bibili ka ng brand new at kung kaya mong mag icash, icash mo na lang dahil makakatipid ka talaga pero kung kailangan mo ng bumili ng motor pero kulang ang iyong pera, puwede kang mag installment pero sa installment ang motor na nagkakahalaga ng  P50+k na motor ay maaaring maging P90+k sumatotal at sayang naman yung 40+k na tubo sa installment dahil puwede mo pa yun magagamit sa ibang bagay.

Ang advantage sa pagbili ng secondhand na motor ay para makatipid ka ng pera, ngunit kailangan mong magingat dahil kapag mali ang nabili mong motor maari na mas makakagastos ka ng mahal sa repair at iba pa. Tara t simulan na natin.

Tips sa Pag Bibili ng Secondhand na Motor

First Step: Alamin ang Tunay na Issue ng Sasakyan

Sa pagbibili ng secondhand na motor, kung ikaw ay first timer, hindi mo malalaman kung ano ang problema ng motor, minsan wala naman talaga problema ang motor at kailangan lang ng pera ang seller kaya niya binebenta at minsan naman meron nakatagong sira kaya binebenta na ng seller, kailangan mong makasiguro. Kung gusto mo malaman ang tunay na reason bakit binebenta ng seller ang kanyang motor, mag sama ka ng mekaniko/experience buyer para siya ang titingin sa motor na bibili mo, bigyan mo lang ng tip pagkatapos ng transaction.

Second Step:Siguraduhin Walang Dalang Kamalasan ang Motorsiklo

Kapag nasigurado niyo ng kasama mong mekaniko na okay ang motorsiklo at kung hindi ito magbibigay sayo ng sakit ng ulo sa hinaharap, oras naman para siguraduhin kung hindi ito carnap o ginamit sa masamang crimen dahil kung oo at kung binili mo ang secondhand na motor na nasa wanted list, maaaring mapasa sayo ang sisi at maaari kang makulong kaya kailangan mo ng guidance kapag kukunin mo na ang motor.

Hingin ang mga Sumusunod na Documents sa Seller:

1.OR & CR ng Motor..

2.Deed Of Sale

3. Xerox Copies of 2 valid ID’s of the seller.

Ito po ang video reminders bago mo kunin ang motorsiklo na binebenta:

Step 3:The Process of Buying

After na maverify mo na okay ang motor at walang kamalasan dala ang motor, gumawa kayo ng Deed of Sale ng seller then pa notario mo, wala kana problema kapag meron kang deed of sale na notarized,certified sayo na unit kapag may deed of sale na kayo ng seller. Kapag notariado na, dalhin mo sa LTO ang lahat ng original papers(OR and CR ng Motor, 2 valid IDs Photocopy and the deed of sale) ng motorsiklo kung gusto mo pa transfer sa name. Bibigyan ka ng instruction sa LTO kung saan at kung anu mga kukunin mo. Para wala kang hassle sa pag process, palakad mo na lang kung may kilala ka sa LTO or wag muna pa transfer para kung mag sawa ka rin lang naman,ibenta muna basta supported ng original documents ng motor po. Mahal din kasi pa transfer at sayang naman kung updated ang registration. Sabay muna sa renewal ang pag transfer kung decided ka talagang ilipat sa name mo .kapag biyahe ka,see to it na may dala kang copy nun deed of sale ng 1st owner para iwas ka sa maraming tanung ang sisita sayo.

Saan kukuha ng deed of sales? : Sa Cityhall or Gumawa ka ng sarili mo, kung hindi mo alam paano ang format, puwede ka mag download dito, click here1. click here2.

Meron ndin akong napanood na video from the experience, panoorin mo kung gusto mo:

Salamat po sa pagbabasa, sana ay meron kang napulot na aral sa pagbili ng secondhand motorsiklo.

Comments ( 2 )

Leave a Reply

CommentLuv badge